Sunday, April 6, 2014

Bukas na Lang

Photo by Troy Vergara
I wrote this literary piece three years ago and this is one of the few Tagalog pieces I made. I wish it would tug your heart as it has always moved mine.

Bukas na lang ako maglalaro, bata pa naman ako.
Bukas na lang ako matutulog, hindi pa naman ubos ang lakas ko.
Bukas na lang ako magbabasa, lalaki ang grado ng mata ko.
Bukas na lang ako kakanta, paos na ang boses ko.
Bukas na lang ako bibili, hindi rin naman mauuubos ang bilihin.
Bukas na lang ako kakain, wala na akong pambili.
Bukas na lang ako susubok, marami pa akong gagawin.
Bukas na lang ako aasa, susulitin ko pa ang oras na kasama siya.
Bukas na lang ako magagalit, ayokong tumanda.
Bukas na lang ako tatawa, kumukurot pa aking puso.
Bukas na lang ako iiyak, wala rin namang mababago.

Bukas na lang.. bukas.

At kung wala ng bukas at kung hindi na ako masisinagan ng sikat ng araw..

Ang mahalaga,
kahit papaano'y ngayon,
ako ay nagmahal.

No comments:

Well, what do you think?

Post a Comment